Sabihin man ng karamihan na tanga
Iwika man nilang ako'y gaga
Di ko maiwasang maghinagpis sa iyong paglayo
'Pagkat sa sandalian nating magkasama,
Ito'y nagdulot ng kakaibang sundot sa aking puso.
Nagsilbi kang gabay,
sa tuwing ako'y nalilito sa mga bagay-bagay
Nagsilbi kang payaso,
sa mga araw na gusto ko nang mamatay
Nagsilbi kang karamay,
sa mga gabing kailangan ko ng katuwang sa aking
kahirapan
Nagsilbi kang lakas,
sa mga oras ng aking kahirapan.
Kaibigan kung ako'y iyong tinuring
Tinanggap ko na hanggang doon lamang ang iyong
hiling
Ngunit bakit sa isang gabi,
Iba ang aking nadama sa iyong yakap at lambing?
Akala ko, "eto na!"
Akala ko, " sa wakas, siya na!"
Pero wala. Puro asa na lang pala.
Ngayo'y paalis ka Ni yakap, hindi mo man lang
ibinigay.
Masakit, nakakaiyak, nakakalito.
Bakit parang bale-wala Ako sa iyo?